Calendar
Iniharap ng mga operatiba ng MPD kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso ang mga naarestong suspek sa panghoholdap sa Road 10, Tondo, Manila.
2 holdap suspek arestado sa Maynila, biktima na-trauma
NAARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang dalawang suspek sa panghoholdap sa babaeng rider sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila noong Martes.
Ang mga suspek na kinilalang sina alyas Moymoy, 26; at Sagiab, 3, ay iniharap kay Manila Mayor Francisco isko Moreno Domagoso sa programang “Talk to the People.”
Habang tinatanong ni Yorme Isko ang biktima, napaiyak na lamang ang biktimang si Patricia Lopez sa takot at trauma na inabot sa mga suspek.
Ayon sa kanya, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Pier 6, Road 10 habang nakahinto siya.
Biglang sumulpot at tinutukan at ambang sasaksakin ng patalim ng mga suspek ang biktima at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone at pera.
Pinayuhan ni Mayor Isko ang complainant na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek upang mapanagot ang mga ito.

