Krudo

Sumimot ng P10K na krudo sa trak di makakalusot — QCPD

244 Views

TINUTUGIS na ng mga pulis ang mga suspek na sumimot ng 70 litro o P10,000 na halaga ng diesel sa isang nakaparadang truck sa Brgy. Fairview, Quezon City.

Sa kuha ng CCTV, hatinggabi noong Marso 31, makikitang tumabi ang isang pulang kotse sa trak at bumaba ang isang lalaki at kinalikot ang fuel tank.

Ayon sa may-ari ng truck, nadiskubre ng driver bandang alas-2:00 ng madaling araw na halos empty na ang tangke kahit kakapa-full tank pa lamang nito.

Wasak din umano ang fuel cap at tila sinimot ang laman.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District, posibleng dalawa hanggang tatlong suspek ang sangkot sa pagnanakaw ng kargang krudo ng trak.

Ayon kay QCPD director Randy Glenn Silvio, may binuo nang special investigation team at nagpapatuloy ang CCTV tracking upang matukoy ang mga salarin.