Libo Source: FB file photo

2 holdaper biniktima 2 naningil ng pautang; 1 suspek nakorner

Gil Aman Sep 7, 2024
19 Views

 holdaper tiklo, 1 kasama naka eskapo

ARESTADO ang isang suspek sa robbery- hold up at nakatakas naman ang kasamahan na tumangay sa pera at iba pang gamit ng dalawang biktima noong Biyernes sa Sitio Kulasisi, Brgy. San Luis, Antipolo City.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si alyas Manuelito.

Ayon sa pulisya, sakay ng motor (487 QCP) ang mga biktimang sina John Paul Bonifacio at Elmer Pinesa nang maholdap.

Galing sila sa mga kliyente sa paniningil ng mga pautang ng biglang dumating ang dalawa.

Armado ng baril at bladed weapon ang mga salarin at tinutukan sila saka kinuha ang mga gamit at pera.

Nagkataon namang nagpagpapatrolya ang mga pulis kaya nahuli ang mga biktima.

Pero nakatakas ang kasamahan ni alyas Manuelito tangay ang P55,000 na nakasilid sa brown belt bag, isang cellphone, OR/CR ng motor gayundin ang P30,000 cash na dala ng isa pang biktima at mga ibang ID, driver license, Phil heath card at Pagibig ID.

Nabawi ng pulisya mula sa nahuling suspek ang caliber 9mm at 2 bala.

Ikinasa na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 10592 laban sa naarestong suspek.