Calendar
Kinikilala ni Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, Regional Director ng Negros Island Region ang mga suspek. JONJON C. REYES
2 HVI, P1M shabu nasamsam sa Negros Occidental buy-busts
ARESTADO ng mga operatiba ng Victorias City Police Station ang isang 44-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng High Value Individuls (HVI), matapos makumpiska sa kanya ang mahigit kumulang na 51 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P.346, 800.
Ang buy-bust operation ay isinagawa Huwebes ng hapon sa Site 3 Block 16,Yolanda Housing, Brgy 13, Victorias City, Negros Occidental.
Kinilala ang suspek bilang Conrado, 44, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa report ni Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, andang 4;35 ng hapon ng magsagawa ng buy-bust operation ang Victorias CCPS sa pamumuno ni PLT.Col Terence Paul R. Sta Ana, COP ng Victorias CCPS.
Natimbog din ang isa pang lalaking HVI ng Bacolod City police sa Gatuslao St., Barangay 8, Bacolod City, Biyernes ng tanghali.
Kinilala ang suspek na si alyas Luis, 33, binata, residente ng Prk. Sigay, Brgy Singcang-Airport, Bacolod City. Nakumpiska sa kanya ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalgang P.680,000.
Ang buy-bust operation ang mga elemento ng PS2, BCPO sa pangunguna ni PMaj. Eugene G Tolentino.
Ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165.
Nagpaabot ng pasasalamat at pagbati si PBGen. Ibay sa kanya ng mga kapulisan dahil sa maayos na operasyon laban sa iligal na droga.

