PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
Lolo, 72, timbog sa gahasa
Jojo Cesar Magsombol
Oct 10, 2025
395
Views
CAMP GEN. MIGUEL MALVAR, Batangas City – Hindi nakaporma noong Huwebes ang lolo na inaresto ng mga pulis dahil sa kasong panghahalay sa Brgy. Tatlong Maria, Taal, Batangas,
Ang akusadong si alyas “Angelito” na 72-anyos ay dinakip sa manhunt ng pulisya ng Taal kasama ang Provincial Intelligence Team ng Batangas police.
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest galing sa Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 86 ng Taal, Batangas, para sa kasong rape (sexual assault). Nasa kustodiya na ng Taal police ang akusado.
“Kami ay nangangako na dalhin ang lahat ng mga kriminal sa katarungan, gaano man sila katagal umiwas sa batas,” sabi ni PCol. Geovanny Sibalo, Batangas police director.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

