Calendar
Inihayag ni NBI Director Jaime Santiago ang ginawang entrapment operation at pagkaka sagip sa mg menor de edad sa isang spa sa Davao City. JONJON C. REYES
NBI inaresto trafficker sa Davao; mga batang sex workers nasagip
SA direktiba ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime B. Santiago, nagsagawa ng entrapment operation ang NBI-Southern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO) sa isang spa sa Davao City, noong Oktubre 7, 2025, na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Ramelyn dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10364, o mas kilala bilang “Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.
Ito ay matapos humingi ng tulong ang ina at lola ng isang biktima umano ng spa. Matapos umano bumiyahe ang biktima patungong Davao City ay nadiskubre nitong ginagamit ang mga menor de edad bilang sex workers.
Isang undercover na ahente ng SEMRO ang nagkunwaring customer at nakipag-usap sa operator ng establishment, na kilala bilang Madam Ram. Nang iharap ang mga menor de edad, at makumpirma ang presyong P3,500 para sa bawal na serbisyo, dito na inaresto ang suspek.
Dinala si Madam Ram sa NBI-SEMRO, kung saan siya sumailalim sa standard booking procedures.
Ang mga nasagip na menor de edad ay agad na itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa debriefing, medical examination, psychosocial intervention, at temporary protective custody.
Ang NBI-SEMRO ay nakipag-ugnayan sa mga reklamo, DSWD, child protection units, at lokal na awtoridad upang matiyak na ang mga biktima ay makakatanggap ng komprehensibong pangangalaga.
Ang operasyon ng NBI ay nagpapadala ng isang na mensahe: aban sa mga trafficker sila ay hahabulin kahit saan sila magtago.

