PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Nasa likod na ng rehas ang mga suspek na nanalisi ng cellphone sa restaurant sa Binondo, Manila.
Metro
2 kelot kulong sa pagnenok ng cellphone
Jon-jon Reyes
Jul 26, 2025
347
Views
ARESTADO ang dalawang lalaki na nangnenok ng cellphone sa restaurant sa Binondo, Manila noong Huwebes.
Ayon sa report, hapon ng mangyari ang pagnanakaw ng mga suspek na sina alyas Penpen, 30, at Ryan, 45 .
Base sa salaysay ng biktima na si Mary Ann, 39, nasa Ju Fu Lu restaurant siya ng manenok ang kanyang itim na Vivo cellular phone na nagkakahalaga ng P7,000.
Nirepaso ng may-ari ang mga kuha ng CCTV at natuklasang ninakaw ito ng mga suspek bandang alas-2:39 ng hapon habang ang isang suspek nagsilbing look-out.
Natunton ang mga suspek at narekober ang ninakaw na cellphone nina PSSg Jeselle Telebrico at PSSg Mc Julian Limano.
Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang mga naarestong suspek.
NCRPO, 100% ready sa seguridad ng 49th ASEAN Summit
Nov 15, 2026
49th ASEAN delegates poprotektahan ng mga parak
Nov 15, 2026
49th ASEAN delegates poprotektahan ng mga parak
Nov 15, 2026
14-anyos nasawi sa riot ng kabataan sa Caloocan
Nov 14, 2026
2 suspek sa holdap tiklo
Nov 13, 2026

