Suspek Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon ang mga suspek na nagnakaw ng motorsiklo sa Maynila. Kuha ni JONJON C. REYES

2 kulong, pagnenok ng motorsiklo nabuking

Jon-jon Reyes Jul 26, 2025
278 Views

DALAWANG lalaki na suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Lamayan St., Brgy. 888, Sta. Ana, Manila noong Miyerkules ang naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District-Sta Ana Police Station 6.

Nakilala ang mga natimbog na sina alyas Rex, 35, at Sam.

Dakong alas-10:05 ng gabi ng maaresto nina P/Capt. Renato Ramento, PMSg Joshue Ledesma, Pat Rogelio Echalas at Pat Bussien Mescallado ang suspek, ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, commander ng Sta. Ana Police Station 6.

Base sa statement ng biktima, bandang alas-5:00 ng hapon pag-uwi niya nalaman niyang nawawala na ang kanyang motorsiklo.

Ni-review ang mga kuha ng CCTV at napag-alaman na dakong ala-12:50 ng tanghali nang nakawin ng dalawang suspek ang motorsiklo ng biktima.

Nagsumbong sa pulisya ang biktima na nagresulta sa pagkaka timbog sa mga suspek at nabawi ang ninakaw na motorsiklo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (The New Anti-Carnapping Act of 2016) ang mga suspek.