Mupas Sinabi ni Police Lt. Col. Roberto Mupas na bahagi ng pre-emptive measures laban sa lahat ng uri ng ilegal na aktibidad ang ginagawa ng pulisya.

2 lalaki binitbit ng pulis dahil sa dalang shabu habang nagsusugal

Jon-jon Reyes Sep 26, 2024
53 Views

BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District-Meisic Police Station 11 ang dalawang lalaki dahil sa pag-iingat ng shabu habang nagsusugal sa Binondo, Manila noong Martes.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, nahuli sina alyas Darel, 30; at si alyas Enjang, 18, sa Oplan Galugad dahil sa pagsusugal ng cara y Cruz.

“As part of pre-emptive measures in the campaign against all forms of illegal/criminal activities, as well as lawless elements, especially those who might take advantage of the rainy season, our San Nicholas PCP personnel conducted Intensified Patrolling and Anti-Criminality Operation,” pahayag ni Lt. Col. Mupas.

Nakarekober ng dalawang nasa plastic sachet na hinihinalang shabu sa isa sa suspek habang hindi rin nakasibat ang kasama nito nang makumpiska sa kanyang posesyon ang isang kalibre .38 baril na kargado ng 3 bala.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 at RA 9165 si alyas Darel habang si Enjang sa paglabag sa PD 1602.

Samantala, swak din sa selda ng Binondo Police ang isang 36-anyos na lalaki dahil din sa pag-iingat ng ilegal na droga.

Ayon kay Lt. Col. Mupas, bandang alas-8:30 ng gabi ng maaresto ang suspek na nakilalang si alyas Raymond ng Valderama St., Binondo, Manila.