Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional ang mga suspek na naaresto dahil sa pagdadala ng baril sa Quiapo Manila. Kuha ni JonJon Reyes
2 lalaking may boga, bala, arestado
TIMBOG ang dalawang lalaki sa Arlegui St., Brgy. 383 at Basan St., Brgy. 384 sa Quiapo, Manila noong Martes dahil sa pag-iingat ng baril.
Kinilala ni Manila Police District (MPD) director Police Brig. General Arnold Abad ang mga suspek na sina alyas Wowie, 56; at Alejandro, 49.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, natimbog ang unang suspek pasado alas-3:40 ng umaga at nakorner si Alejandro sa Basan St., Quiapo, Maynila.
Sinubukan pa ng suspek na tumakas ngunit kalaunan napigilan ng mga pulis.
Narekober sa unang suspek ang isang cal .38 revolver at tatlong bala habang ang isa naman nakuhanan ng 1 paltik na may 1 bala.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kaso ng paglabag sa RA 10591 at ire-refer sa Manila City Prosecutors Office para sa inquest proceedings.

