Calendar

2 menor-de-edad huli sa pagnenenok ng plaka ng sasakyan
INARESTO ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD) ang dalawang menor-de-edad na suspek ng pagnanakaw ng mga plaka ng sasakyan na nakaparada sa parking lot sa Railroad track sa New Antipolo St., Brgy. 217, District 2, Tondo, Manila noong Lunes.
Kapwa residente ng Tondo ang dalawang menor-de-edad. Bandang alas-4:30 ng umaga ng pagbabaklasin ng mga suspek ang mga plaka ng sasakyan.
Umabot sa 13 may-ari ng sasakyan ang nabiktima kaya nag- report ang mga biktima sa Tayuman Police Community Precinct.
Nahuli ang mga suspek ng mga miyembro ng Tayuman PCP sa pangunguna ni PCMS Gener De Guzman, ayon sa report.
Napag-alaman na ang mga nawawalang plaka ibinebenta kay alyas Arlou na may-ari ng junkshop.
Tinatayang nasa P8,000 ang mga nakuhang plaka sa dalawang suspek.