Calendar
Ang naarestong suspek sa tangkang pagpatay matapos makorner nina Police Major Gil John Lobaton ng MPD.
2 nagtangkang pumatay nasakote ng parak
ARESTADO ng mga pulis ang 41-anyos na backhoe operator dahil sa attempted murder sa Cabildo St., Brgy. 657, Zone 70, Intramuros, Manila noong Miyerkules.
Nakilala ang suspek na alyas Lester na nahuli bandang alas-12:10 ng tanghali.
Natiklo ang suspek sa pangunguna ni Police Major Gil John Lobaton, PCMS Homer Velasco, PMSg Edman Demillo, PSSg Melvin Ilaw, PCpl Ignacio Palo Jr. at PCpl Darwin Sabiaga.
Ang pagkakaaresto sa akusado dahil sa warrant of arrest para sa attempted murder na inisyu ni Judge Jose Lorenzo Dela Rosa, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 4, Manila.
May inirekomendang piyansa na P120,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
Samantala, swak din sa selda ang Barangay Ex-O dahil sa attempted Homicide.
Nakorner ang Barangay Ex-O sa P. Guevarra St., Brgy. 341, Zone 34, Sta Cruz, Manila.
Nakilala ang akusado na si alyas Armando, 38, na nahuli bandang alas-2:05 ng hapon sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Immaculada Concepcion Cruz Ylagan-Galang, Presiding Judge, Metropolitan Trial Court, Branch 18, Manila.

