Isko

P117.5M subsidy ibinigay ni Mayor Isko sa PLM

Edd Reyes Jan 23, 2026
220 Views

NAGBAWAS ng utang na iniwan ni dating mayor Honey Lacuna si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamamagitan ng P117.5 milyong subsidy sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) noong Biyernes.

Sinabi ng alkalde na kinailangan niyang gawan ng paraan na mabawasan ang malaking utang dahil kinakailangan ng pondo ng PLM para hindi madiskaril ang kanilang operasyon.

Ayon kay Mayor Domagoso, may natitira pa ring utang na P224.75 milyon sa pamantasan na base sa city finance record bahagi pa rin ng hindi naibigay ng nakaraang panahon.

Tiniyak naman ng alkalde sa mga opisyal ng PLM na ibabalik ng lungsod ang kakulangan.

“Bago ako naging mayor, nasa P250 million ang annual subsidy ng PLM.

Sa unang termino ko, itinaas natin ito sa P360 million. Ang ginawa naman nila, binaba nila ng P210 million, hindi pa binigay,” sabi ng alkalde.