Nakaw Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang mga suspek na nahuling nagnanakaw ng kable ng kuryente sa Baseco compound sa Port Area, Manila. JONJON C. REYES

Kable ng kuryente ninenok, 2 nagnenok arestado

Jon-jon Reyes Jan 23, 2026
190 Views

SWAK sa selda ang dalawang lalaki matapos mahuling nagnanakaw ng kable ng kuryente sa Block 9, Old Site corner Block 7, Baseco compound, Brgy. 649, Port Area, Maynila noong Biyernes.

Nakilala ang dalawa na sina alyas Dhanz, 22; at Darwin, 38, ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete.

Bandang alas-6:20 ng umaga nahuli ang dalawa maispatan ng mga pulis kasama ang mga taga-Meralco habang nasa operasyon sa kanilang area of responsibility.

Narekober sa dalawa ang Yamaha Mio (N463E0) at electric cables na may habang 18 meters at 35 meters na nakasilid sa sako.

Nakadetine sa Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa paglabag sa RA 7832 (Anti-Pilferage of Electricity and Theft of Electric Transmission Lines).