Condo

2 nakitang patay sa condo: 1 ‘minartilyo’, 1 suspek

33 Views

Condo1Condo2

Condo3
Ayon kay, Police Major Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD PIO,’ pinaghihinalaang ‘crime of passion’ ang insidente ng dalawang lalaking nakitang patay sa loob ng isang condominium sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES

NITONG lingo ng gabi dalawang lalaki ang naiulat na natagpuang duguan at wala nang buhay sa magkahiwalay na lugar sa loob ng isang condo mula sa ika walong palapag (8th Floor) at ang isa naman ay sa Ground floor ng Building 2 na matatapuan sa Deca homes Barangay 94 Tondo, Manila..

Ang isa sa biktima na 39 anyos na lalaki ay natagpuang duguan at naka hubad sa hallway, habang ang 27-anyos naman ang lalaking natagpuan sa ground floor na parehong nakatira sa nasabing gusali na Deca Homes sakop ng Barangay 94 Tondo, Manila,.

“CRIME of passion” ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pagkamatay ng dalawang lalaki sa loob ng isang condominium sa Tondo, Maynila,

Ayon sa imbestigasyon, ilang residente ang nakarinig ng sigawan at isang lalaki ang humihingi ng tulong mula sa isang unit sa ikawalong palapag bago ang insidente.

“Paglabas nila, nakita nila ang biktima na duguan at nakahandusay sa hallway. At nakita din nila yung suspect na nandun sa loob ng unit ng biktima,” ayon kay Police Major Philipp Ines, tagapag salita ng MPD-PIO.

Agad bumaba ang mga saksi para isumbong sa guard ang kanilang nasaksihan. Subalit bago pa man sila makarating sa unang palapag ng naturang condominium, nakita nila ang isang lalaking nakahandusay. Iyung suspect ay pinaghihinalaang tumalon mula sa ikawalong palapag ng gusali,” ani Major Ines.

Napag-alamang 39-anyos ang lalaking natagpuang duguan sa hallway, habang 27-anyos ang natagpuan sa ground floor na pinaghihinalang suspek.

Sa ginawang pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakita ang isang martilyo sa kama sa loob ng isang unit na pinaniniwalaang ginamit para patayin ang biktima.

“Napag alaman din na bgo ang insidente, ang suspect ay nanghiram ng martilyo sa kanyang hipag. At nakita rin yung ginamit na martilyo at ebidensya dito mismo sa loob ng unit nitong biktima,” sinabi ni Major Ines..

Pinaniniwalaang may relasyon ang dalawang lalaki at posibleng nagkaroon ng mainitang pagtatalo at nauwi sa pagpaslang, dagdag ni Maj. Ines.

Ayon pa sa pulisya, mula sa Mindoro ang 39-anyos na biktima at ipinaalam na sa kaanak nito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente sa pangunguna ni PCMS Niño Boy Baldajay, ng MPD-Homicide Section.