Calendar
Ang maliit na tulay sa isang barangay sa Famy, Laguna kung saan inilikas ang dalawang pamilya sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng bagyong Dante. GIL AMAN
2 pamilya sa Famy inilikas
DALAWANG pamilya na binubuo ng walo katao sa Famy, Laguna ang inilikas ng mga tauhan ng Famy police habang nasa kasagsagan ang bagyong Dante noong Huwebes.
Nailigtas ang mga tao sa pangunguna ni P/Maj. Ricaredo Dalisay dakong alas-7:00 ng umaga habang nasa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Nagbigay din ng tulong si Famy, Laguna Mayor Lorenzo Rellosa sa rescue operation upang mailigtas ang 2 pamilya at hindi na abutin ng malaking pagbaha.
Wala namang iniulat ang pulisya na ano mang aksidente at pagkalunod habang dinala na sa evacuation center ang pamilya.
Nagkaroon ng landslide sa Sampaloc Lake sa Brgy. Concepcion, San Pablo City.
Ipinagbawal sa mga motorista ang pagdaan sa paligid ng lake habang isinasagawa ang clearing operation at pagpuputol ng mga natumbang puno.
Ilang residente ng mga barangay sa siyudad ang dinala sa mga evacuation at binigyan ng relief goods.

