Calendar
2 patay nang araruhin ng trak na puno ng buhangin ang kanilang bahay
DALAWA ang patay, kabilang ang 85-anyos na biyuda, nang araruhin ng trak na kargado ng buhangin ang kanilang bahay Lunes ng madaling araw sa Valenzuela City.
Natutulog ang 85-anyos na biyuda at 44-anyos na mga biktima nang araruhin ng trak na minamaneho ng 30-anyos na si alyas “Rioy” ang kanilang tirahan sa A. Bernardino Street, Barangay Ugong, dakong alas-3:55 ng madaling araw na nagresulta sa kanilang pagkasawi.
Naaresto naman kaagad ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief PCol. Joseph Talento si alyas Roy na mahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property sa piskalya ng Valenzuela City.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na habang tinatahak ng trak ang A. Bernardino Street, ipinasiya ng drayber na pumarada muna upang hintaying mag-umaga nang magka-aberya ang air brake system ng trak kaya dumiretso ito sa bahay ng mga biktima.
Naisugod pa ang mga biktima sa Valenzuela Medical Center subalit hindi na rin umabot nang buhay bunga ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

