Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Calendar
Provincial
2 suspek na pusher na push sa selda
Bernard Galang
Nov 22, 2025
451
Views
PORAC, Pampanga–Naaresto at swak sa selda ng mga pulis noong Biyernes ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust na nagresulta sa pagsamsam ng 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 sa Brgy. Planas dito.
Nakilala ng Pampanga police ang mga naaresto na sina alyas Rico, 41; at Pau, 19.
Natiklo sila ng mga operatiba ng Porac police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Purok 6 at nakumpiska ang 60 gramo ng hinihinalang shabu, kasama ang marked money at boodle money.
Nasa kustodiya na ng Porac police ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.
Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Nagtatag ng Gawad Kalinga inaresto sa Bulacan
May 30, 2026
Pandesal vendor utas sa pamamaril
May 30, 2026
Kalsada sa Naujan ipinasemento; biyahe giginhawa na
May 30, 2026

