Laguna Pinuntahan ni Gov. Sol Aragones ang mga stalls na may mga produkto ng Laguna at iba’t-ibang likha ng mga Lagunense. GIL AMAN

Tourism industry pauunlarin sa Laguna

Gil Aman Nov 22, 2025
220 Views

INILUNSAD noong Nov. 22 sa Pila, Laguna ang Laguna Pilgrimage Tourism sa National Shrine and Parish of St. Anthony De Padua, Pila, Laguna upang palakasin ang turismo sa tulong ng mga pilgrimage sa iba’t-ibang bayan ng Laguna.

Isang thanksgiving mass na dinaluhan ni Laguna Gov. Sol Aragones at pinangunahan ni Msgr. Jerry Bitoon ng Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit, San Pablo City ang ginanap kasunod sa pagbubukas ng programa.

Katuwang ni Aragones ang DOT-Region 4A at iba pang entities upang higit na ipakilala ang proyektong naglalayon na hikayatin ang mga local at international tourists sa Laguna.

Kasunod namang pinangunahan ang aktibidad hinggil sa Laguna Tourism, Culture, Arts and Trade Office (LTCATO) na nagpapakita ng iba’t-ibang likhang sining at produkto mula sa mga artisan.

Ipinakilala ang bahagi ng bazaar ng patuloy na pagsisikap ni Gov. Sol Aragones na palakasin ang mga lokal na industriya at paunlarin ang turismo sa Laguna.

Itinatampok sa taong ito ang 30 lokal na negosyante mula sa bawat lungsod at bayan sa Laguna, na nag-aalok ng iba’t ibang produkto mula sa pagkain at handicrafts hanggang sa fashion at specialty items.