Biker Nasapol ng lente ng camera ng Journal Group ang isang lalaking nakabisikleta na nakabulagta sa kalsada na biktima ng pamamaril sa Maharlika Highway, Brgy. Dicarma, umaga ng Sabado. Kuha ni STEVE A. GOSUICO

BIKER DEDO SA AMBUSH SA CABANATUAN CITY

Steve A. Gosuico Nov 22, 2025
516 Views

CABANATUAN CITY – Dedo ang isang lalaking biker matapos ratratin ng hindi kilalang suspek sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Dicarma dito, Sabado ng madaling araw.

Nangyari ang pamamaril sa may gawing harapan ng Klasmeyt videoke bar dakong alas-4 ng umaga habang nagbibisikleta ang biktima at sinundan umano ng nakamotorsiklong gunman.

Batay sa paglalarawan, nakasuot ang biktima ng kulay asul na long sleeves, striped shorts at berdeng step-in na suot pa niya habang nakabuwal sakay ng kanyang bisikleta sa kalsada.

Ayon kay city police head Lt. Col. Renato C. Morales, sinundan ng salarin ang biktima mula sa kanyang bahay hanggang sa lugar kung saan siya binaril.

Aniya, kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang motibo ng pamamaril at ang pagkakakilanlan ng suspek. May kasamang ulat ni Bernard Galang