Suspek Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, hepe ng MPD Malate Police Station 9, ang mga natimbog na suspek sa carnapping at illegal possession of firearm.

2 suspek nasilo sa carnapping, boga

Jon-jon Reyes Oct 31, 2024
58 Views

TIMBOG sa mga operatiba ng Manila Police District-Malate Police Station 9 ang isang binata sa kasong carnapping sa San Andres St., Malate, Manila noong Miyerkoles.

Nakilala ang suspek na si alyas Kim, 31, ayon kay Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, hepe ng MPD Malate Police station.

Nahuli ang suspek bandang alas-2:00 ng hapon sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Caroline Lacsamana-Tobias ng Regional Trial Court Branch 7 ng Manila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (Anti-Carnapping Act of 2016) ang suspek.

Samantala, nalambat si alyas Benjie sa loob ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila dahil sa paglabag sa PD 1602 at Republic Act 10591.