Calendar
2 suspek sa pagnanakaw sa convenience stores nakorner sa Rizal
RODRIGUEZ, Rizal–Timbog sa mga pulis noong Biyernes ang dalawang suspek sa pagnanakaw sa dalawang convenience stores sa Rodriguez, Rizal.
Naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng Rizal police ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas Just at alyas Kulot na parehong naninirahan sa Rodriguez, Rizal.
Ini-report ng mga tauhan ng convenience store ang nakawan sa Rodriguez police kaya nagresulta sa pagkakakilanlan ng mga suspek.
Nakuha kay Alyas Kulot ang isang baril at isang pakete na may lamang shabu at nakuha naman sa posesyon ni alyas Just ang isang pakete ng shabu.
Nahaharap sa kasong robbery at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang dalawang suspek.
Kasalukuyang nakapiit ang dalawang suspek sa Rodriguez custodial facility, ayon sa mga pulis.