Fruit

2 tumataya sa fruit game nasungkit ng mga parak

Edd Reyes Jun 4, 2024
91 Views

INARESTO ng mga pulis ang dalawang tumataya sa fruit game noong Martes sa Paranaque City.

Inaresto ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Paranaque City Police ang dalawa nang naaktuhang tumataya sa fruit game na nakalatag sa Den Mark St., Brgy. San Dionisio dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Nangyari ng pag-aresto sa utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na nagbabawal sa lahat ng sugal.

Una ng iniutos ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete ang pagkumpiska sa mga video karera at fruit game na kinahuhumalingan ng mga kabataan at nagiging tambayan ng mga drug addict.

Noon lang nakaraang linggo, isang video karera at dalawang fruit game machines ang nakumpiska ng pulisya sa Las Pinas City at nagresulta sa pagkakadakip ng apat katao.

Sinampahan ang mga naaresto ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling, ayon sa mga pulis.