Calendar

Metro
2 utas, 1 agaw-buhay sa tomaan na nauwi sa gripuhan
Jon-jon Reyes
Oct 21, 2024
163
Views
DALAWA ang natodas at nakikipag-buno pa kay kamatayan ang isa pang biktima ng pananaksak sa inuman na nauwi sa malagim na patayan sa Infanta St., Tondo, Manila noong Linggo.
Nakilala ang mga natodas na sina Czylux Bautista, 21, at Josephine Navarro, 16, habang nasa malubhang kalagayan ang 21-anyos na residente ng Balut, Tondo.
Naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District ang papatakas na suspek na si alyas Ike sa follow up operation ng mga pulis ng Smokey Police Community Precinct.
Sa ulat ni Det. Charles Dela Torre, bandang ala-1:00 ng madaling araw naganap ang insidente.
Bigla na lang daw bumunot ng patalim ang suspek saka pinag uundayan nang saksak ang mga biktima kabilang ang isang dalagita.
Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas
May 14, 2025