Calendar
20 magsasaka inireklamo si Roque sa NBI
HUMIGIT-kumulang 20 na magsasaka ang nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay dating Presidential spokesman Harry Roque kaugnay ng umano’y land acquisition sa Bataan.
Ayon sa reklamo, inagawan ng lupa ang mga complainants sa pamamagitan ng illegal transfer ng kanilang agrarian land ng isang kumpanya na dawit sa POGO kung saan opisyal si dating presidential spokesperson Harry Roque.
Ayon sa mga magsasaka, ang kanilang Certificate of Land Ownership Awards (CLOAs) ay nailagay sa isang pribadong korporasyon ng walang clearance o pagpayag mula sa Department of Agrarian Reforms.
Sa preliminary investigation ng NBI, posibleng may falsification of public documents sa pagproseso at pag transfer ng mga land titles.
Sa ngayon ay tinitingnan ng NBI kung mayroon probable cause at may pagkakakilanlan ang mga indibidwal na mayroon crimibal liabilities sa insidente ng pang aagaw ng lupa.

