Calendar
Nakisaya at pumila ang mga paslit para makakuha ng pagkain at juice matapos mamahagi si Kagawad Jon Jon Reyes sa kanyang kaarawan noong Sept. 25.
200 katao nabiyayaan sas b-day blowout ni PT photojournalist Jonjon C. Reyes


HALOS 200 kabataan at matatanda ang nakinabang sa munting biyaya mula kay Kagawad Jon Jon Reyes, presidente ng Manila Police District Press Corps at photojournalist ng Peoples Journal Tonight at Journal News Online, na nagdiwang ng kanyang ika-48 na kaarawan sa Brgy. 735 Muñoz St., District V, Malate, Manila noong Sabado.
Ang nasabing pamamahagi ng pagkain ay ikatlong taon nang ginagawa sa tuwing sumasapit ang kaarawan niya sa tulong ng kanyang mga kamag anak.
Sumusuporta sina Chito at Potpot Chavez ng Tinapayan Festival sa okasyon pati sina Vincent Chan at Kevin Lim para maisagawa ang layunin sa mga kabarangay.
“Sanay na tayong tumulong sa ating mga kabarangay dahil noong panahon ng pandemic ay isa po tayo sa mga naghain ng ilang kilong bigas sa ating mga kabarangay,” saad ng kagawad.
“Lubos ang ating pasasalamat sa mga sumuporta sa aking kakayahan bilang lingkod bayan at trabaho bilang photojournalist lalo na po kay Nanay Tess Lardizabal, editor-in-chief ng People’s Tonight, kay dating boss Gus Villanueva, sa aking ama na si Edong Reyes, dating photographer ng Journal Group at mga nakasama at naging guro sa photographer at pagsusulat ng istorya.
Maraming salamat po sa inyong lahat,” sabi ng kagawad.

