Manila

Half-day operations sa 2 public hospitals sa Maynila sa Lunes

Edd Reyes Sep 27, 2026
154 Views

NAG-ABISO na kalahating araw lang ang operations sa outpatient department (OPD) sa Lunes ng Justice Jose Abad Santos General Hospital at Mayor Ramon Bagatsing General Hospital (dating Ospital ng Sampaloc) para sa pagdiriwang ng 34th National Family Week at Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Hanggang ala-1 lang ng hapon ang operasyon sa OPD ng dalawang ospital. Walang abiso ang lima pang public hospitals sa Maynila tungkol sa operating hours nila.

Ang half-day operations ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 136 na inilabas ng Malacañang bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 34th National Family Week at “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.

Humingi ng pang-unawa ang dalawang ospital at nilinaw na bukas ang kanilang emergency room at iba pang mahahalagang serbisyong pangkalusugan 24/7.