Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Col.Rommel Anicete ang suspek sa rape na naaresto sa Baseco Compound, Port Area, Manila.
21-anyos na walang asawa dinampot dahil sa gahasa
NATIMBOG ng mga operatiba ng MPD Baseco Police ang isang 21-anyos na binata dahil sa kasong panggagahasa,matapos magsagawa ng Manhunt Operation ang mga kapulisan sa Blk.1 Gasangan Brgy, 649 Baseco Compound, Port Area l, Manila, Huwebes ng tanghali.
Kinilala ang suspek na si alyas “Noknok”, 21, repacker, tubong Marikina City, at residente sa nasabing lugar,.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 12:35 ng tanghali nang maispatan ang suspek ng mga operatiba ng Personnel of Warrant and Subpoena Section habang nagsasagawa ng operasyon sa pangunguna ni PLT. Apolinio B Ellao kasama si PLT Jonnah Micah C Gerance Chief ng Women and Children Concern Section (WCCS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng Station Commander na si PLTCol. Rommel S Anicete.
Bitbit ng mga otoridad ang Warrant of Arrest laban sa akusado na inisyu ni Judge Delight Aissa A Salvador, ng Manila RTC, Branch 29.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
Ang akusado ay kabilang sa talaan ng Top 4 Most Wanted Person (Station Level) dahil sa rape at nakapiit na MPD Baeco Police Station.

