Calendar
Ang mga sunog na sumiklab sa Tondo at Sampaloc, Manila. JONJON C. REYES
Sunog sumiklab sa Tondo, Sampaloc

ISANG senior citizen ag nagtamo ng first degree burns sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Tondo, Maynila, Miyerkules ng gabi.
Bandang alas 7:40 ng gabi ng magsimula ang nasabing sunog sa isang bahay sa Sevilla Street,Brgy.121,Tondo.
Sa ikalawang palapag ng two-storey residential house na pag-aari ng isang Gloria Palma sumiklab ang apoy na agad iniakyat sa unang alarma dakong alas 7:58 ng gabi.
Dahil sa bilis at paglaki ng apoy, iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog bandang 8:05 ng gabi.
Dahil dito kanya-kanyang hakot ng gamit ang mga residente kung saan nasa 30 pamilya ang nawalan ng tahanan.
Idenaklara ang fire out 9:49 ng gabi ni FS/Ins Sonny Lapuyan, ng Chief Investigation and Arson Section.
Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP at mga awtoridad ang sanhi at kung magkano ang napinsala ng apoy.
Bandang alas 12;20 naman nang sumiklab ang isa pang sunog sa isang residential area sa residential area sa Lacson Avenue corner F. Jhocson St., Brgy. 434, Sampaloc, ngayong Huwebes ng tanghali.
Mabilis na naapula ng mga bumbero ang sunog na umabot lamang sa unang alarma.

