21 dialysis machines sa Laguna hospital malapit na

Gil Aman Sep 11, 2025
281 Views

MAGKAKAROON na ng 21 dialysis machines sa Bay District Hospital sa Laguna, ayon kay Laguna Governor Sol Aragones sa kanyang pagbisita noong Sept. 11.

“Maglalagay po tayo dito ng 21 na machines para sa dialysis,” saad ni Aragones.

Bubuksan ang pasilidad para sa lahat ng taga-Laguna upang magkaroon ng mas malawak na access sa dialysis.

Nagpasalamat ang mga health workers sa gobernador dahil malaking ginhawa ang maibibigay nito sa kanilang mga pasyente.

“Lahat ng pwede natin gawin sa mga hospitals gagawin natin para maging komportable ang mga pasyente,” dagdag ng gobernadora.

Kasama rin sa pagbisita si Dr. Odilon Inoncillo, Officer-in-Charge ng Provincial Health Office, na nagpaalala sa publiko ng mga paraan para makaiwas sa chronic kidney disease.

Ipinangako ni Governor Aragones na patuloy niyang aalamin ang iba pang pangangailangan ng mga ospital sa Laguna at magbibigay ng kaukulang tulong.