Ambush Ang ambush site. STEVE A. GOSUICO

Quarry operator sa Ecija patay sa ambush

Steve A. Gosuico Sep 11, 2025
375 Views

BONGABON, Nueva Ecija – Pinaulanan ng bala ng di kilalang suspek ang sasakyan ng isang negosyante na naging sanhi ng pagkamatay nito nitong Miyerkules ng alas singko ng hapon dito.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktima na kinilalang si alyas Ronald, 45, quarry operator, residente ng Bgy. Platero, General Natividad, Nueva Ecija.

Nangyari ang krimen sa may tabing ilog sa isang quarry site sa barangay Lusok, ng bayang ito.

Ayon kay police chief Major Alrick Erana, kasalukuyan pa nilang inaalam ang posibleng motibo sa pamamasalang kabilang ang negosyo.

Nagmamaneho ang biktima ng kanyang pick-up truck nang paulanan ito ng bala mula sa kalibre 5.56 na baril, ayon sa imbestigasyon.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa pamamaslang.