Calendar
![Kulong](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Kulong-1.jpg)
218 suspek sa krimen nasakote sa QC
AABOT sa 218 suspek sa iba’t-ibang krimen ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa anti-illegal drug at anti-criminality operations
mula Pebrero 2 hanggang 8, 2025.
Ayon kay P/Col. Melecio Buslig, Jr., QCPD director, 64 na wanted persons, 74 na sugarol, 75 drug suspects at 5 katao na sangkot sa illegal possession of firearms ang rundown ng mga naaresto.
Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ng P/Maj. Don Don Llapitan si Alvin June Vertulfo, 25, noong Pebrero 8, 2025 dahil sa kasong acts of lasciviousness.
Naaresto naman ng mga operatiba ng Cubao Police Station si Dionisio Sexciona, 47, noong February 8 para sa paglabag sa PD No 1866 o ang Labag sa Batas na Paggawa, Pagbebenta, Pagkuha, Disposisyon, Pag-angkat o Pagmamay-ari ng Isang Paputok o Incendiary Device.
Arestado sin si Cristy Ramones Santos, 55, noong Pebrero 7 dahil sa pagnanakaw at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).