Vergeiri

225 bagong kaso ng Omicron subvariants naitala ng DOH

220 Views

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng dagdag na 225 bagong kaso ng Omicron subvariants.

Sa ulat na inilabas ng DOH noong Biyernes, Agosto 12, nakapagtala umano ng 190 bagong kaso ng BA.5 subvariant.

Sa bilang na ito, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na 162 ang nasa Region 11, 23 ang nasa Region 12, tatlo ang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at tig-isa sa CARAGA at National Capital Region (NCR).

Sa 190, 175 ang magaling na at pito ang nasa isolation pa. Ang estado ng iba pa ay inaalam pa ng DOH.

Nadagdagan naman ng 34 ang kaso ng BA.4 subvariant kung saan 23 ang nasa Region 12, at 11 ang nasa Region 11.

Sinabi ni Vergeire na magaling na ang 33 sa mga ito at ang isa pa ay inaalam pa ng DOH ang estado.

Mayroon namang isa na nagpositibo sa BA.1.12.1 variant na taga Region 11.