Calendar
’26 budget bukas na sa public scrutiny
SINIMULAN ng Senado noong Martes ang committee amendments para sa panukalang 2026 national budget matapos aprubahan ang mosyon ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Walang tumutol sa mosyon kaya opisyal na idineklara ni Senate President Vicente Sotto III na bukas na sa panunuri ng publiko.
Iniharap ni Sen. Sherwin Gatchalian, chair ng Committee on Finance, ang Senate Committee Report No. 18 na naglalaman ng mga rekomendadong susog sa General Appropriations Bill.
Ayon kay Gatchalian, dumaan sa masusing proseso at mapanuring pamamaraan lahat bago nila ito pagdedebatehan.
“It has been 21 days since we sponsored the proposed national budget for 2026,” sabi ni Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian na naka-upload na ang komite report sa opisyal na website ng Senado upang matiyak ang transparency sa proseso ng pagba-budget.
Ang panahon ng pagsususog ay karaniwang bahagi ng deliberasyon sa pambansang badyet bago ito isumite sa bicameral conference committee.

