Chicago

’26 Chicago marathon sinalihan ng100 Pilipinong mananakbo

35 Views

Chicago1LiveCHICAGO, USA — Handa nang magpasiklab at umarangkada kamakailan sa kalsada ang mahigit sa 100 atletang Pilipino matapos ang ginanap na taunang “Carbo-Loading” party sa Rizal Center sa lungsod na ito.

Nagsama-sama ang mga Pinoy runners na nagmula pa sa iba’t ibang sulok ng mundo—kabilang ang mga galing mismo sa Pilipinas, Europa, at Middle East—upang mag-recharge at magpalakas bago ang malaking karera ng 2026 Chicago Marathon.

Nakiisa rin sa masayang pagtitipon ang Philippine Consulate General sa Chicago sa pangunguna ni Protocol Officer Martyn Asker Orcine para magbigay ng buong suporta sa ating mga kababayang mananakbo.

Ang naturang event ay inorganisa ng grupo ng Pinoy Runners USA–Chicago.

Ang Chicago Marathon, na nagsimula noong 1977, ay isa sa pinakasikat at pinaka-respetadong “World Marathon Majors” sa buong mundo, kasama ang mga sikat na karera sa Tokyo, Berlin, London, New York, at Boston.