DOLE

280 DOLE-TUPAD nag-aaral na, may trabaho pa

Helen D. Prado Nov 10, 2026
40 Views

DOLE1LUNGSOD NG CALAPAN — Aabot sa 280 benepisyaryo mula sa Pinamalayan, Socorro at lungsod na ito ang rumaraket habang nag-aaral sa ilalim ng bagong batch ng DOLE-TUPAD Training cum Production (TCP) na handog ng lalawigan ngayong Nobyembre.

Mula sa mga lumang tela at basahan, ginagawa na ngayong doormat ng 126 trainees sa Calapan ang kanilang mga natututunan.

Natuto na rin silang gumawa ng pabango at dishwashing liquid na pwedeng ibenta

Ikinatuwa ni Maria Aireen Joy F. Baes, 45, dating beauty products agent mula sa Brgy. Biga, ang malaking pagbabago sa programa ng DOLE.

Kung dati raw ay puro paglilinis lamang ang pokus, ngayon ay may libre pa silang kaalaman sa pagnenegosyo.

“Salamat sa DOLE at sa kapitolyo na tumutulong para magkaroon kami ng kaalaman at pagkakakitaan,” ani Baes.

Ayon kay PPESO DOLE TUPAD-TCP Program Focal Remar Troy Romero, ang mga masisipag at makapasa sa pamantayan ng pagsasanay ay may tsansang makakuha ng karagdagang livelihood assistance mula sa ahensya.

Magpapatuloy ang 15-araw na training sa ilalim ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni PGDH-PESO Manager Antonio Magnaye Jr., upang matiyak na may pangmatagalang kabuhayan ang mga taga-Mindoro.