Droga

OFW na wanted sa droga laglag sa Batangas

15 Views

Droga1

BATANGAS CITY – Huli noong Linggo sa bitag ng mga awtoridad ang isang overseas Filipino Worker (OFW) na wanted sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at itinuturing na ‘Provincial Most Wanted Person’ sa Brgy. Tabangao Aplaya ng lungsod na ito.

Kinilala ni Batangas police director PCol. Oliver Ebora ang suspek na si alyas Voffer, tubong Taytay, Rizal.

Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang kalayaan dahil sa kasong paglabag sa RA 9165.

Ayon kay Col. Ebora, pinagtulungan ng Batangas City Police at RMFB 4A ang paghahain ng warrant sa suspek na inilabas ng RTC Branch 3.

Nakakulong na ang suspek ngayon sa piitang lungsod at inihahanda na ang mga papeles para iharap sa korte.

“Patunay ito na wala kaming sasantuhin,” giit ni Ebora.