Candon

Kulong-kulong sinalpok ng bus sa Ilocos Sur, 2 nasawi

Christian Supnad Nov 29, 2026
12 Views

CANDON CITY, Ilocos Sur — Dead-on-arrival sa ospital ang dalawang biktima matapos mabangga ng bus ang kanilang sinasakyang kolong-kulong sa Brgy. Langlangca 2nd, Candon City, Ilocos Sur.

Ayon sa ulat, ang kulong-kulong ay minamaneho ng senior citizen at sakay ang 57-anyos na matanda nang mabangga ng bus na minamaneho ng taga- Bangued, Abra.

Biglang tumawid ang kolong-kulong kaya’t nabangga ng bus, ayon sa report.

Dahil sa lakas ng impact, nakaladkqd ang kolong-kolong ng 50 metro.