Leachon

‘Batang handa, mas ligtas na bansa’ celebration pinangunahan ni Leachon

Helen D. Prado Nov 29, 2026
14 Views

LeachonCalapan City — Nanguna si City Mayor Doy Leachon ngayong Sabado sa pagdiriwang ng 34th National Children’s Month celebration ng Calapan City sa OMNHS Gymnasium na may temang ‘Manindigan, Tumugon, at Kumalinga: Sa Batang Handa, Mas Ligtas ang Bansa’.

Nasaksihan nila dito ang iba’t ibang pagtatanghal ng mga daycare students sa lungsod.

Pinangunahan din ng butihing mayor ang panunumpa ng Child Development Support Parent Group (CDSPG) Officers, na siyang magtataguyod sa kapakanan ng mga mag-aaral gayundin ng kanilang mga magulang.

Naging posible ang programang ito sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD).
Mabuhay ang ating mga batang Calapeno!