Amihan SOURCE: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid02hfwd4YedNmTCodPW58DchdYA3QnnbtPdkUnM6DfMBXeGHtSiducEU7kQNZQH15Mdl&id=100064849864375&mibextid=wwXIfr

Amihan magdadala ng ulan sa Luzon

9 Views

Walang namo-monitor na Low Pressure Area (LPA) para sa posibleng pagbuo ng bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang alas-8 ng umaga nitong Linggo, Nobyembre 29, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 24-hour weather forecast ng ahensya, nakaaapekto ang Northeast Monsoon o amihan sa Northern at Central Luzon, habang easterlies naman ang umiiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

Inaasahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province at Aurora. Posible rin ang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Samantala, makararanas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Dinagat Islands at Surigao del Norte.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan, na may isolated rainshowers o thunderstorms. Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at landslide kapag may malalakas na thunderstorm.

Nagbabala rin ang ahensya sa malakas hanggang gale-force na hangin sa Northern Luzon, kung saan inaasahang magiging maalon hanggang napakaalon ang karagatan, na may taas ng alon na 2.8 hanggang 4.5 metro.

Larawan: PAGASA/FB