Calendar
Mga taga-BOC naniniwalang kayang lampasan collection target
MALIGAYANG araw sa ating mga taga subaybay.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati rin natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Glenn Raganas, Endo Yumi, , Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Hiroshi Katsumata, Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God bless mga kabayan!
***
Patuloy ang mga otoridad, sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga.
Ito ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na kilalang “crusader against drug monster,” upang tugisin ang mga grupong nasa likod ng pagkalat ng droga.
Ang illegal drugs ay kinabibilangan ng shabu, high-grade na marijuana o kush, kentamine at cocaine na nanggagaling sa labas ng bansa.
Maraming droga sa Pilipinas ay imported dahil ang mga shabu laboratories sa bansa ay na-dismantle na ng mga otoridad.
Alam naman nating lahat na maraming napapariwarang Pilipino, karamihan ay mga kabataan, dahil sa masamang epekto ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Noon ngang November 27 ay personal na inenspeksyon ni Customs Commissioner Charlito Martin Mendoza ang mahigit na 350 kilograms na illegal drugs sa isang warehouse sa Pasay City.
Kasama sa inspeksyon si PDEA Director Derrick Arnold C, Carreon at mga opisyal ng BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pinamumunuan ni District Collector Yasmin Obillos Mapa.
Ang mga droga ay nakapaloob sa anim na inbound shipments na galing ng Kenya at Malaysia ay nagkakahalaga ng P661 milyon.
“The seizure of these drugs is only the beginning. We will ensure their proper documentation and turnover to the PDEA, continue our case build-up and file appropriate charges against those responsible,” according to Commissioner Mendoza.
Ang operasyon sa Pasay City warehouse ay isinagawa ng BOC-NAIA “in coordination” sa PDEA, Philippine National Police at Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF).
“The operation included X-ray screening, physical examination and assistance from PDEA K-9 teams,” ayon sa report.
Mula Enero 2026 ay nakasakote na ang BOC ng mahigit P7.92 bilyong halaga ng mga ipinagbabawal nagamot “in 414 seizure operations nationwide.”
***
Magdi-Disyembre 1 na.
Meron na lang isang buwan ang Bureau of Customs (BOC) na abutin ang 2026 revenue collection target.
Ang ahensya, sa ilalim ni Commissioner Charlito Martin Mandoza, na isang bar examination topnotcher, ay naatasang mangolekta ng mahigit na isang trilyong piso sa taong ito.
Naniniwala ang mga taga-BOC na kaya nilang lampasan ang target collection dahil marami pang dumarating na shipments.
Ang mga shipments na ito ay naglalaman ng mga tinatawag na “Christmas items,” na kinabibilangan ng mga appliances, damit, sapatos at damit.
***
Nakatuon rin ang atensyon ng taumbayan sa nangyayaring Senate impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte.
Inaasahan kasing magde-desisyon ang mga senator-judges kung ico-convict or ia-acquit si Inday Sara bago mag-Pasko.
Asahan ng magiging mainit ang balitaktakan sa Senado sa nalalabing araw ng Senate impeachment trial bago ang“judgment day.”
Sana, mananatiling mapayapa ang ginagawang paglilitis.
Ang conviction o acquittal ni Vice President Duterte ay hindi dapat mauwi sa kaguluhan dahil sinusunod lamang natin ang proseso na isinasaad sa ating Saligang Batas.
(Para sa reaksiyon at pagbati, mag-text sa 09178624484/email: philipreyes08@yahoo.com.)
