Vic Reyes

Promoyon sa BOC iba-base sa performance di koneksyon

Vic Reyes Nov 25, 2026
71 Views

ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating suki, lalo na sa ibang bansa.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina

Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

***

Promotions, designations and hiring will be based on performance, not on connections.

Ang deklarasyong ito ni bagong Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ay siguradong nagbigay ng sigla sa mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa buong bansa.

Ayon kay Commissioner Mendoza, ang “career advancement within the agency would be “strictly anchored on competence and performance.”

Mula sa isang well-meaning na abogado, ang deklarasyon ay magsisilbing inspirasyon sa men and women in customs uniform para magtrabaho ng mahusay.

Sa ngayon ay mayroong 17 collection districts na pinamamahalaan ng BOC, ang pangalawang pinakamalaking revenue generating agency ng gobyernonasyonal.

Ang pangunahing ahensiya ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na pinamunuan din ni Commissioner Mendoza bago siya bumalik sa BOC.

Huwag natin kalimutan na tatlong taong naging District Collector ng Port of Cebu si Commissioner Mendoza, na third placer sa Philippine bar examinations noong 2004.

Sa kanyang unang flag-raising bilang hepe ng BOC, inanunsyo ni Mendoza ang promosyon ng 29 na tauhan ng ahensya.

Ayon kay Commissioner Mendoza, ang 29 ay pupunuan ang ilang “critical vacancies” sa Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), NinoyAquino International Airport (NAIA), Port of Cebu(POC), Port of Iloilo (POI) at Management Information Systems and Technology Group.

Ang limang ports of entry na ito ay kabilang sa tinatawag na major collection districts ng BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Ang mga bagong promoted na opisyal ay magsisilbing Customs Operation Officer (COO) V, COO III, Attorney II at Information Technology Officer II.

Sinabi din ni Commissioner Mendoza na kailangang gawing simple at mabilisan ang promosyon at pag-hire ng mga bagong personnel.

Sa totoo lang, inutusan na niya ang Internal Administration Group para i-review ang “existing procedures and ensure the timely filling up of vacant positions.”

Magandang balita ito para sa mga gustong pumasok sa ahensiya na walang ma-impluwensiyang padrino.

Pagkakataon niyo na ito dahil nandiyan si Commissioner Mendoza.

“By filling critical vacancies across the bureau, these promotions strengthen the BOC workforce and support the continuous delivery of its mandates,” ayon kay Mendoza.

Ang mga pangunahing mandato ng ahensiya ay kinabibilangan ng revenue collection, border protection, at trade facilitation.

Kagaya ng BIR, mahalaga ang gampanin ng mga taga-BOC para magtagumpay ang mga socio-economic development projects ang gobyerno.

Kailangan ng administrasyon ng sapat na pera para pondohan ang malalaking proyekto at programa.

Tama ba kami, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Finance Secretary Frederick Go?

***

Sa Martes ay Disyembre 1 na.

Apat na linggo na lang bago matapos ang taong 2026.

At sana ay matuldukan na ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Z. Duterte sa Senado para makapag-focus na ang lahat sa kani-kanilang gawain.

Sobra na ang pagkahati-hati ng mga kababayan natin, kasama na ang mga ordinaryong tao hindi lang sa kanayunan kundi sa buong bansa.

Kailangan tanggapin natin ng maluwag kung ano man ang magiging hatol ng mga senador sa kaso ni VP Duterte.

Hindi dahilan ito para mag-slow down ang socio-economic development ng bansa.

(Para sa komento at pagbati mag-text sa 09178624484/email: philipreyes08@yahoo.com.)