Rep Tulfo

28,000 OFW sa Israel siniguro ang kaligtasan — Rep. Tulfo

68 Views

SINIGURO ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo ang kaligtasan ng mahigit 28, 000 manggagawang Filipino sa Israel ngayon kasunod pa rin ng patuloy na giyera ng naturang bansa sa grupong Hamas sa Gaza City, Hezbollah sa Lebanon, at sa bansang Iran.

Ito ang naging pangunahing paksa matapos ang courtesy visit ni Israel Ambassador to the Philippines na si Ilan Fluss sa tanggapan ni Tulfo sa House of Representatives sa Batasan, Quezon city nitong Nobyembre 27.

“My question, Mr. Ambassador, is that we have a lot of Filipino friends and they have a lot of relatives in Israel right now. How are they?,” tanong ni Tulfo sa Ambassador.

Agad naman siniguro ni Fluss na tinitiyak nila ang kaligtasan ng mga Filipino sa kanilang bansa sa kabila ng patuloy na giyera sa lugar.

“We’re treating them like Israelis. In their homes, we have a shelter or a safety room,” ani Fluss.

“They (Filipinos) are not sent close to the borders or war-torn area. We are making sure that where they stay they have a safety room, a shelter, and if they need anything, they have a number they can call,” dagdag pa ng ambassador.

Paliwanag pa ng opisyal na sa “green zone” o “safe area” lang ng Israel nagtatrabaho ang mga Pinoy workers at malayo sa mga delikadong lugar.

Sa kasalukuyan ay aabot sa mahigit 28, 000 OFW ang nananatili sa Israel na karamihan ay mga caregivers at hotel workers.

Ipinarating din ng Ambassador kay Rep. Tulfo na sa ngayon ay kailangang kailangan pa nila ang mga Filipino workers sa kanilang bansa pero hindi nila ito magawa dahil sa patuloy na deployment ban ng mga Filipino sa Israel.

“We need workers in agriculture, in construction, in industries, in hotels, in restaurants. There are about 11 professions that we are looking for workers from overseas,” binganggit ni Fluss. “The war has totally affected the deployment of Filipinos.”

Siniguro rin ng Israel na tinutulungan nila ang pamilya ng mga Pinoy na naapektuhan ng giyera katulad ng ilan na namatay at nabiktima ng hostage sa bansa.

“They are getting full support from the Israeli government, like any other Israeli victim of terror. So they get, they need a family to get a monthly income. If they need special assistance for education, for medical. So those families are being taken care of. We had two Filipinos that were taken hostage. Of course both were released. One of them is back here (in the Philippines),” paliwanag ni Fluss. (