Magsino tuloy-tuloy pa rin pagse-serbisyo para sa mga OFWs

Mar Rodriguez Jun 5, 2025
429 Views

Rep. MagsinoSA KABILA ng kaniyang kabiguan na makakuha ng puwesto bilang Kinatawan ng OFW Party List group sa papasok na 20th Congress, tiniyak naman ni Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na magtutuloy-tuloy pa rin ang kaniyang paglilingkod para sa kapakanan at kagalingan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasama na ang kanilang pamilya.

Sa ekslusibong panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Magsino na bagama’t ikinalulungkot nito ang kaniyang naging kabiguan sa nagdaang May 2025 mid-term elections matapos na hindi ito makakuha kahit isang upuan lang sa susunod na batch ng mga mambabatas sa ilalim ng 20th Congress.

Binigyang diin ng kongresista na hindi hihinto ang pagse-serbisyo ng OFW Party List para sa mga OFWs at kanilang pamilya kasama na sa mga mababahaginan ng kanilang tulong ay ang libo-libong Filipino Seafarers.

Ayon kay Magsino, hindi man siya makakaupo sa 20th Congress magtutuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng OFW Tulong at Serbisyo Center sa Ayala Mall, Manila Bay para magbigay ng tulong sa karaingan, hinanaing at suliraning kinakaharap ng mga OFWs at Pinoy Seafarers.

Ipinaliwanag din ni Magsino na ang operasyon ng OFW Tulong at Serbisyo Center ay hindi lamang para sa mga OFWs at Filipino Seafarers bagkos para sa lahat ng mamamayang Pinoy na may mabigat na suliranin kabilang na dito ang problema sa kanilang trabaho at iba pa.

Ipinahayag pa ng OFW Lady solon na ipagpapatuloy lamang niya ang mga bagay na kaniyang nasimulan sa ilalim ng 19th Congress para sa OFW Party List. Kasama na sa kaniyang ipagpapatuloy ay ang Buhay OFW Foundation na sinimulan nito sa loob ng nagdaang 20 taon.

“Ang ating OFW Tulong at Serbisyo Center ay tuloy-tuloy lamang po. Magtutuloy-tuloy din ang ating adbokasiya para sa mga OFWs at mga Seafarers. Ang ating OFW Center ay hindi lang naman para sa mga OFWs at Seafarers, ito ay para sa lahat ng Pilipino. Ipinagpapatuloy ko lamang kung ano ang ating nasimulan sa OFW Party List in the 19th Congress. Itutuloy ko din ang nasimulan nating Buhay OFW Foundation for the last 20 years,” sabi ni Magsino sa panayam ng People’s Taliba.

To God be the Glory