Calendar
281 supek na tulak laglag; P6M shabu nasamsam sa PRO 4A

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City–Kalaboso ang 281 suspek na tulak habang mahigit P6 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa CALABARZON mula Setyembre 21 hanggang 27.
Sa kabuuang 261 operasyon, nakopo ng mga miyembro ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) ang 849.33 na gramo ng shabu, 25.83 na gramo ng marijuana at 173.70 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng kabuuang P6,039,093.60, ayon kay Regional Director PBGen. Dominic L. Baccay
“Hindi tayo titigil sa pagtugis sa mga sangkot sa illegal na droga. Hahanapin namin kayo, aarestuhin, at pananagutin sa ilalim ng batas!” banta ni Baccay.
Bahagi ito ng pinaigting nilang B.E.ST. Policing Framework at Focused Agenda ng PNP para tuluyang maputol ang ugat ng iligal na droga sa komunidad.
Kasalukuyang nasa kulungan ang mga naarestong suspek at nakatakdang haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
