Lindol Larawan: PHIVOLCS/FB

M-4.9 na lindol tumama sa Sultan Kudarat

38 Views

NAITALA ang magnitude 4.9 na lindol sa bahagi ng Sultan Kudarat nitong Huwebes, Oktubre 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang lindol alas-1:34 ng hapon at ang epicenter ay nasa 47 kilometro timog 66° kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat, na may lalim na 10 kilometro. Tectonic ang pinagmulan nito.

Naitala ang Intensity II sa Cotabato City, habang instrumental intensity III ang naitala sa Norala, South Cotabato. Instrumental intensities II at I naman ang naitala sa ilang lugar sa Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat, Zamboanga del Norte at Zamboanga City.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa lindol, ayon sa PHIVOLCS. Ito na rin ang tanging bulletin na ilalabas maliban kung may karagdagang impormasyon.