Register

288 na bagong Pinoy voters nagparehistro sa PH Embassy sa Washington, DC

20 Views

Register1

MAY 288 na bagong botanteng Pilipino ang embahada ng Pilipinas sa Washington, D.C. dahil sa field registration na idinaos sa Atlanta, Georgia noong Mayo 9 hanggang 11.

Layunin ng field registration na ilapit ang serbisyo sa mga Pilipinong naninirahan sa Georgia at mga kalapit na estado.

Sa pamamagitan nito, hindi na nila kailangan pang maglakbay patungong Washington, D.C. para magparehistro at makaboto sa susunod na pambansang halalan.

Ayon sa embahada, mahigit 1,800 na Pilipino ang nakapagpatala mula ng magsimula ang panahon ng pagpaparehistro noong December 1, 2025.

Ang mga rehistradong overseas voters makakaboto para sa pangulo, pangalawang pangulo, senador at party-list representatives sa 2028.