Co

Galit ng mamamayan namumuo kay VP Sara

Mar Rodriguez Jun 2, 2026
17 Views

NAGBABALA si Kabataan Party List Rep. Renee Co tungkol sa namumuong poot ng mamamayang Pilipino kung tatangkain ni Vice President Sara Duterte na itago ang katotohanan sa napipintong impeachment trial laban sa kaniya.

Mayroong dalawang option na pagpipilian si VP Duterte, ayon kay Rep. Co, kaugnay sa gagawing paglilitis ng Senado–sagutin ang mga reklamo laban sa kaniya o harapin ang galit ng mamamayan.

Mas makabubuting magbigay ng isang matibay at makabuluhang sagot si Duterte, pagbibigay diin ni Co, sa oras na gumugulong na ang impeachment trial sa halip na gumawa ng iba’t-ibang gimik ang kanyang mga kaalyado para maitago ang katotohanan.

“Truly give respect to due process, she must provide a substantive answer to the allegations and not hide behind technicalities. The people are waiting. Face the music or face the people’s wrath,” babala ni Co.

Ayon kay Co, hindi malayong sapitin din ni VP Sara ang sinapit ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos sumiklab ang galit ng taongbayan dahil sa pagtatakip na ginawa ng mga kaalyado niyang senador sa impeachment trial.