Calendar
BI chief: CAISS project panukala pa lang
NANANATILING panukala at hindi pa napagtibay ng ahensya ang Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project, ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado ng Bureau of Immigration (BI).
Naglabas siya ng pahayag upang itama ang mga ulat na nagsasabing magsisimula na ang ahensya sa pangongolekta ng P480 charge mula sa mga biyahero.
Inatasan niya ang isang masusing pagsusuri at konsultasyon sa mga stakeholder hinggil sa panukalang user fee ng CAISS na nagmumungkahi ng $4 (P247) bayad.
Hindi pa pinal ang panukalang singil at nasa proseso pa ng pag-aaral at konsultasyon, ayon sa hepe n BI.
Layunin ng proyekto na palakasin ang seguridad sa pamamagitan ng biometric systems, real-time risk assessment, data integration at automated border control technologies.
Binibigyang-diin ang pangangailangang timbangin ang seguridad ng bansa at ang dagdag na pasanin sa mga biyahero.
Kasama sa pagsusuri ang data privacy, cybersecurity, at mga mekanismo ng pananagutan upang mapanatili ang tiwala ng publiko.
“Layunin nating magkaroon ng mas ligtas at mas modernong border control system, ngunit dapat itong maisakatuparan sa paraang malinaw, makatarungan, at may tiwala ang publiko.
Tiyakin muna nating lubusang napag-aralan at maipaliwanag ito nang maayos sa ating mga kababayan,” dagdag ng BI chief.

