Frasco

29 couples ‘may forever’ dahil sa mass wedding na inisponsoran ni. Rep. Frasco

Mar Rodriguez May 8, 2024
131 Views

Frasco1Frasco2Frasco3NANINIWALA si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa kasagraduhan ng kasal.

Kaya inisponsoran ng kongresista ang pag-iisang dibdib ng 29 couples sa pamamagitan ng idinaos na “mass wedding” sa Camotes Island, Cebu.

Kung ang ibang mag-asawa ay hindi naniniwala sa “forever”, iba naman ang pananaw ng 29 couples sa Camotes Island sapagkat para sa kanila, ang kanilang pakikipag-isang dibdib ay tanda ng walang hanggang pagsasama at tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa kanila.

Dahil dito, pinangunahan ni Frasco ang pag-sponsor sa kasal ng 29 magkasintahan na ginanap sa Our Lady of the Immaculate Conception Parish na sinundan naman ng engrandeng reception sa Tudela Civic Center sa Munisipalidad ng Tudela.

Kabilang ng mga bagong kasal ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Frasco, karamihan sa mga ikinasal ay halos ilang dekada o matagal ng nagsasama. Subalit bunsod ng kakapusan sa pananalapi ay hindi magawang magpakasal.

Sinabi ni Frasco na nais nitong tulungan ang 29 na mag-asawa na gawing pormal ang kanilang pagsasama sa tulong ng kasal.

“The mass wedding gives couples whom have lived together for years and some even decades but due to financial constraints are not yet officially married the opportunity for a proper church wedding and celebration. Through the mass wedding the couples are able to finally come together with their partners and their families to solemnize their holy bond of marriage,” sabi ni Frasco.

Bukod dito, para malubos ang kaligayahan ng mga bagong kasal, nagpa-raffle din si Frasco ng P5,000 kung saan, ang ilang sa mga bagong kasal ay nanalo.